MULA PASADA…
HANGGANG SARILING NEGOSYO.
Hindi ito nagsimula sa malaking kapital. Nagsimula ito sa pasada. Ang founder ng ESPS ay dating tricycle driver — araw-araw nagtitiyagang magpasada, ulan man o init, para lang may maiuwi sa pamilya.
Pero sa bawat biyahe, may dala siyang mas mabigat pa sa pasahero: ang pangarap na magkaroon ng sariling negosyo. Nangahas siyang sumubok. Natuto. Nadapa. Bumangon. Ngayon, isa na siyang full-time business developer — katuwang ang isang international business coach na tumutulong sa kanyang i-scale ang ESPS sa buong bansa.











